Title: Negative times negative equals positive
By:Maico Jlyn Coma
DAY 1
Labing limang, labing anim, labing pito. Nakakasawa na, ganito lang buhay ko, inuubos ang oras sa pagbibilang ng mga kotseng kubang dumadaan sa paburito kong kapehan. Minamalas nga naman, kailangan ko pangtumayo para kumuha pamunas sa nakalat kong basa sa upuan. Pabalik nalang ako sa upuan ko ng harangin ako ng isang babae, costumer din sa kapehan,maporma manamit at maamo ang mukha. “excuse me, ate naihian mo ata ung pantalon mo,” sinabi nya sakin ng pabulong. Tumango nalang ako at nagpasalamat.”teka,tulungan na kita” masaya nyang sinabi. Nagulat nalang ako ng bigla syang bumagsak sa harapan ko, mabuti nalang nasalo ko sya. Walang dalawangpung segundo na wala siyang malay,mayamaya nagising na sya. “ayos ka lang ba miss?” tanong ko sa kanya, ngumiti lang sya ng sakin. Dahil pareho kaming walang kasama, niyaya ko nalang siya sa mesa na kung nasaan ako, patago kong pinunasan ung basa sa upuan ko.
“ Gutom ka ba? Baka nahihilo ka kaya kahimatay.”
“ ayos lang ako, ikaw kailangan mo ba ng tulong? Medyo nangangamoy ka na kasi eh, pwede kitang tulungan”
“ayos lang din ako, lagi akong may dalang extrang pantalon”
“mabuti naman, ano yang ginagawa mo sa laptop mo?”
“ah ito ba? Mahilig akong gumawa ng mga vidoes, pinagaaralan ko pa tong bagong application na nadownload ko sa 4shared, medyo mahirap gamitin e”
“pareho pala tayo ng hilig”
“sasali kasi ako short film contest ngayong bakasyon,kaso di ko pa alam kung paano at sino ang mga gaganap”
“ ISALI MO AKO, gusto kitang tulungan” tuwang tuwa nya,ng sinabi, halos sigawan na nya ako sa pagkatuwa. Di ako nagulat sa boses nya, nagulat ako sa pagbasak nya sa binti ko. Sa pagkakataong yon parang nakatulog ata sya.
DAY 3
“BUT YOU DIDN’T HAVE TO CUT ME OFF,MAKE OUT LIKE IT NEVER HAPPENED AND THAT WE WERE NOTHING”
Yan ang tunog na gumising sakin galing sa cellphone ko at himala may silbi na tong gadget na to. “natashia 10 miss call…. Holy shrimp! Magshoot nga pala kami ngayon!” naligo ako ng 5 mins at di na din ako nagalmusal at nagkula ng higaan kong basa. Dalawang araw na kaming nagiisip kung anong magandang kwento na siguradong tatalbog sa mga ibang contestant, kaso wala pa at kahit tao wala din.
“Celine, basa nanaman pantalon mo” pagbati nya sakin, natarata nalang kaming dalawa, nakalimutan kong magdala ng extrang pantalon. At ito nanaman, bumagsak nanaman sya sa sahig.
Pagkalipas ng 30 minutos bumalik na sa ayon ang lahat, natuyo na ang pantalon ko, at nagising na din si natashia.
“may sakit ka ba? sa buong pagkakakilala natin, 7 beses ka nang nahimatay sa harapan ko; dalawa nung nakita mong basa ung pantalon ko, 3 nung pinaguusapan natin ung para sa shortfilm, at dalawang beses nung nakakita ka ng gwapong naglalakad.”
“napansin mo din pala, sasabihin ko sayo pero dapat kaibigan mo padin ako ha”
“oo naman”
“ang totoo di ako nahihihimatay, nakakatulog ako pag natutuwa, naeexcite , taranta o gulat ko. Mula pinanganak ako nadiagnose na ako ng family doktor namin, una nilang nalaman nung pinika-boo ako ni papa tapos un … akala nila kung anong nangyari sakin pero sabi ng doctor nakatulog lang ako at naiintindihan ng mga normal na tao un, at mula pagkabata di na ako nagkaroon ng normal na buhay. Ginawa pa akong katatawanan nung elementary nung nakatulog ako habang pinapagalitan ng teacher at ung highschool nung nakatulog ako habang sinasayaw ako ng crush ko.”
“di pala tayo nagkakalayo, may deperensya din ako”
“napapaihi?”
“oo, matagal ko nang tinatago ung sa mga kaibigan ko sa school, natatakot ako na pagnalaman nila layuan nila ako”
“pano ka di nahahalata?”
“lagi akong nagdadala ng extrang damit, pabango , tissue at mineral bottle, minsan nakikita ko nalang na tumutulo tapos gagamitin ko ung pangsalo”
“hirap ng sakit natin no, di mo alam kung nakakaawa o nakakatawa”
“ako bumbera, ikaw maka-masa”
“anong maka-masa?”
“masa-ndal tulog, pero ayos lang yan, dahil sa mga kawirduhan natin naging magkaibigan tayo”
“bago pa tayo magkaiyakan dito, isipin na natin ung sa short film”
“sige, ako nang bahala dun, may pagkamatalino kasi ako e.”
Day 10
Dahil sa pagkamatalino ko, wala pa akong naiisip na kwento para sa contest. Naghanap ako sa internet pero ang mga nakita ko dun puro kalokohan, kaya nag9gag nalang ako nagbiglang nagring ung phone ko.
“boom, boom, gonna get yah”
Text message lang pala,
From:natashia
Good morning, this is Natasha’s mom and she is confined in the hospital, we will surely appreciate if you come and visit. #YOLO.
Agad agaran ako nagbihis kahit di pa naliligo, kahit extrang pantaloon di ko nadala. Nang nakaabot na ako sa hospital, doon nakita kong natutulog si natashia. Kinausap ako ng nanay nya.
“ikaw pala ang bagong kaibigan ng anak ko, Masaya ako na nakakita na talaga sya ng kaibigan”
Ngumiti nalang ako sa kanya, at parang anak nya, madaldal din sya, nasabi nya sakin na hilig pala talaga ni natashia ang nasa harap ng camera, kaso dahil nga sa sakit nya di sya natatangap sa audition ng mga palabas, madalas daw nakakatulog sya dahil sa kaba. Napaisip ako na mas malala pala ang kondisyon ni natashia kaysa sa akin, kahit basa ang pantalon ko nagagawa ko padin ang mga gusto ko.
“bakit po sya naconfine?”
“kagabi, pagbukas ko ng kwarto nya, nakita ko nalang siyang nakahilata sa sahig, pagkatingin ko sa tv nagplaplay ung pilikula na chuckie, akala ko magigising sya agad pero hindi, kaya dinala na naming sya sa hospital sabi ng doctor wag daw magalala magigising din sya”
Day 11
“nakaisip na ako ng para sa shortfilm natashia, kaso di ka pa nagigising, di ko alam pero simula nang nahospital ka parang di na ako masaya na gumawa ng film. Kelan ka ba gigising? Natatawa ako pag pinapanood ko ung mga video natin kahit puro kalokohan lang, navideohan kitang sumasayaw tapos bigla kang nakatulog, madami din pala tayong masasayang panahon sa loob ng 10 araw, gumising ka na.”
Day 12
Taltong araw nalang submission na ng film para sa festival, di padin gising si natashia, ewan ko kung bakit pero nalungkot ako simula ng di ko na sya nakakausap, siguro kasi ngaun lang ako nagkaroon ng kaibigan na totoo, ngaun alam ko na ang pakiramdam . napuno na ng maraming get well soon card ang kwarto nya, lahat galing sa nanay at tatay nya. Dinalhan ko sya ng paburitong kape namin, pero naisip ko di naman pala nya maiinom un, kaya ako nalang ang uminom, pero ung tumbler, binigay ko sa kanya.
Day 16
Tapos na ang contest, at di napasok ang film namin sa festival, malungkot ako na masaya, sa wakas gumising na si Natashia. Binisita ko sya bahay nila, maluha luha ako ng makita ko sya, ayon sya, parang walang pinagbago, masiyahin padin. Inabot ko sa kanya ang CD ng pinagpaguran kong video, pinanood naming lahat kasama ang magulang nya. Kahit di napasok ang entry namin, masaya ako sa reaksyon ng mga nakapanood.
“Celine, I’m so proud of you, pinagsama sama mo mga video natin sa loob ng 10 araw, at nakagawa ka ng magandang mensahe, sa totoo lang naiiyak ako, pero bat ganon ung title parang masagwa, the sleeping beauty meets the firewoman.”
Napangiti nalang ako at nagtanong
“kapag matanda na tayo, tapos napaihi ako sa pantalon ko tutulungan mo padin ba ako?”
“oo naman, basta ba pagnakatulog ako papatulugin ko ako sa kandungan mo”
“anong araw pala ngaun?”
“Dec 21,2012 bakit?”
“sabi sa mayan calendar end of the world?”
“naniniwala ka naman doo, di un toto…………oooowww”
***BIGLANG NAGBROWN OUT***
Mga tunog nalang ang narinig ko, ang kalabog sa pagbagsak ni Natashia at ang tunog ng dumadaloy na tubig.

tama Cool!! hahahahahahahahahahahaha patawa si masantal parang ewan nalang sya sa mga pinag sasabi nya.! wala na sigurung masagot ito dahil pati aso dinadamay na.
Saya ko’y walang kapantay,Tuwing ika’y nasa tabi’t naka antabay,Sa bawat pagsubok ika’y nakaalalay,Kaya’t buhay ko’y nagkaro’n ng saysay,Sa mga araw at panahong nagdaraan,Lalong gumaganda ang ating samahan,Tumitibay rin ang ating pagkakaibigan,Na mula noon ay ating pinahahalagahan,Sana’y magpatuloy pa ang pagtitiwalaan,Upang tumagal at manatili ang ating pagkakaibigan,Huwag mabuwag ng kahit sino man,Hindi masira ng kahit ano mang nilalang,Mga alaalang minsan ay napasa atin,PAhahalagahan ko’t di lilimutin,Sayo’y pinapangako’t sinusumpa ko rin,Magpapakatatag ako sa kahit anong pagsubok na darating,Ang paninirira ng kapwa’y babaliwalain,Ano man ang satin kanilang isipin,Wag nalang paapekto’t wag pansinin,Wala lang silang magawa’t naiinggit sa atin. .
ano to? haha